Apat Na Hakbang Tungo
Sa Buhay Na Ganap
1. MAYROON KANG SULIRANIN
Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili, at wala sa atin ang katotohanan. - 1 Juan 1:8
​
Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. - Roma 6:23
​
Tayong lahat ay haharap sa hukuman ng Diyos.
Sapagkat sinasabi sa Kasulatan: Sa Aking pagiging Diyos sa ng Panginoon, isinusumpa Ko ang bawat dila ay magpupuri sa Diyos.
Kaya't lahat tayo ay magbibigay-sulit sa Diyos.
- Roma 14:10-12
​
Ang nananalig sa Anak ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi tumatalim sa Anak, hindi magkakaroon ng buhay mananatili sa kanya ang poot ng Diyos.
- Juan 3:36
2. HINDI MO MALULUTAS ANG SULIRANIN
Ang tao'y hindi pinawawalang sala dahil sa mga gawa ayon sa Kasulatan, kundi sa pananalig kay Kristo. Kung ang katuwiran ay makakamtan sa pamamagitan ng Kautusan, walang kabuluhan ang pagkamatay ni Kristo.
- Galacia 2: 16-21
​
Ipanadama ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin sa pamamagitan nito: si Kristo ay namatay para sa atin noong tayo ay mga makasalanan pa.
- Roma 5:8
​
Sinabi ni Hesu-Kristo lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat sa silong ng langit, ang Kanyang pangalan lamang ang ibinigay ng Diyos sa ikakaligtas ng tao.
- Gawa 4:12
3. NALUTAS NA NG DIYOS
ANG IYONG SULIRANIN
Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya't ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na anak, upang ang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang Kanyang Anak, hindi upang mahatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan Niya. - Juan 3:16-17
​
Ito ang pag-ibig: hindi inibig natin ang Diyos kundi tayo ang inibig Niya at sinugo ang Kanyang Anak upang maging handog sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan. - 1 Juan 4:10
​
Nang mayahag ang kagandahan-loob at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapaglistas, tayo's iniligtas niya, hindi dahil sa ating mabubuting gawa, kundi dahil ng kanyang habag sa atin. - Tito 3:4-5
​
Si Kristo ay namatay dahil sa kasalanan ng lahat ; ang walang kasalanan ay para sa Diyos. 1 Pedro 3:18
4. ANG MGA SULIRANIN MO
AY MANANATILING NALUTAS NA.
Sinabi ni Hesus: Ang nakikinig sa Aking salita at nanalig sa nagsugo sa Akin ay may buhay na walang hanggan at hindi na hahatunlan kung inilipat na sa buhay mula kamatayan. - Juan 5:24
​
Tinubos na tayo ni Kristo sa pamamagitan ng kanyang kamatayan at sa gayo'y pinatawad na sa ating mga kasalanan. - Efeso 1:7
​
Si Hesus ay buhay magpakailanman... kung kaya't lubusan Niyang maililigtas ang lahat ng lumalapit sa Diyos sa pamamagitan Niya sapagkat Siya'y nabubuhay magpakailanman upang mamagitan para sa kanila.
- Hebreo 7: 24-25
​
Kaya't ang sinumang nakipag-isa kay Kristo ay isa ng bagong nilalang; wala na ang dating pagkatao; siya'y bago na.
- 2 Corinto 5:17
KUNG KAYA'T: TALIKURAN ANG KASALANAN
Iniuutos ng Diyos sa lahat ng tao sa lahat ng dako ng magsisi.
- Gawa 17:30
​
Magsisi kayo at magbalik-loob sa Diyos upang pawiin niya ang iyong mga kasalanan.
- Gawa 3:19
MAGTIWALA KAY KRISTO
Sumampalataya ka sa Panginoon Hesus at maliligtas ka.
- Gawa 16:31
​
Sinabi ni Hesus: huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka na.. Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila Ako nakikita.
- Juan 20: 27, 29
​
Ang nananalig sa Anak ay may buhay na walang hanggan.
- Juan 3:36
TANGGAPIN SI KRISTO
Kung ipapahayag ng iyong mga labi na si "Hesus ay Panginoon" at mananalig ka ng buong puso na Siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka.
- Roma 10:9
PANALANGIN NG PAGSISISI AT PAGTANGAP:
Dakilang Diyos Ama maraming pong salamat sa Iyong Anak na si Hesus, na Siya pong kalutasan ng aking mga kasalanan, patawarin mo po ako at hugasan ng Iyong banal na dugo at Manahan po Kayo sa Aking puso bilang Panginoon at sarili kong tagapagligtas ngayon at magpakailanman. Amen